Hindi nagpahuli ang mga atleta ng Pangasinan State University (PSU) โ Alaminos City Campus (ACC) matapos makasungkit ng limang panalo sa University Meet 2024 na ginanap noong ika-walo ng Marso sa PSU โ Lingayen Campus (LC), at Narciso Sports Complex, Lingayen, Pangasinan.
Humataw ng bumubulusok na atake ang pinag-isang team ng ACC at Infanta Campus (IC) na nagsumite ng pilak na medalya sa Menโs Sepak Takraw kontra sa pinagsamang pwersa ng Urdaneta, Santa Maria, at Asingan Campus.
Sa kabilang banda, checkmate ang isinigurado ni Kianne Naboa nang makamit ang pilak na medalya sa Womenโs Chess. Samantala, bronze medal naman ang inupuan ng menโs category habang silver naman sa womenโs bilang standing sa overall placement.
Sa pagkakataon naman na ito ay nagpasiklab ang tandem na Marlon Macatuggal at Denice Calizar na manlalaro sa Menโs Beach Volleyball, nang masungkit ang tansong medalya.
Nagpakitang gilas rin ang volleyball team, table tennis team, basketball at mobile legends team ng ACC sa qualifiers round ngunit bigong makapasok sa semis at championship game.
Maghaharap naman ang mga manlalaro ng badminton sa Bugallon Sports Development Complex, Bugallon, Pangasinan, ngayong araw, Miyerkules, upang magtagisan ng galing.
Ang mga nagsipagwagi ang magrerepresenta sa institusyon ng PSU sa nalalapit na SCUAA 2024 na gaganapin sa DMMSU-SLUC, Agoo, La Union.
๐๐ถ๐ฉ๐ข ๐ฏ๐ช: ๐๐ณ๐ฆ๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ช๐ค๐ฌ ๐. ๐๐ณ๐ค๐ช๐ฏ๐ฆ, ๐๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ๐ซ๐ฐ๐ถ๐ณ๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ต, ๐๐๐