Sa pangunguna ni University President, ๐‘ซ๐’“. ๐‘ฌ๐’๐’ƒ๐’†๐’“๐’• ๐‘ด. ๐‘ฎ๐’‚๐’๐’‚๐’”, naghatid ng donasyon ang Pangasinan State University (PSU) sa Lungsod ng Alaminos noong ika-12 ng Agosto 2025, na pinamumunuan ni Kgg. na Alkalde ng Syudad, ๐‘จ๐’“๐’•๐’‰ ๐‘ฉ๐’“๐’š๐’‚๐’ ๐‘ช. ๐‘ช๐’†๐’๐’†๐’”๐’•๐’†, bilang tugon sa pangangailangan ng syudad. Ang donasyon ay bahagi ng โ€œ๐‘ช๐’๐’Ž๐’Ž๐’–๐’๐’Š๐’—๐’†๐’“๐’”๐’Š๐’…๐’‚๐’… ๐‘ฝ๐’๐’๐’–๐’๐’•๐’†๐’†๐’“ ๐’‚๐’๐’… ๐‘ถ๐’–๐’•๐’“๐’†๐’‚๐’„๐’‰ ๐‘ท๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’‚๐’Žโ€, isang inisyatibo ng unibersidad na naglalayung tulungan ang mga komunidad sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at pagbibigay-tulong.

Bago isinagawa ang pagbabahagi ng donasyon, nagkaroon ng maikling dayalogo sa pagitan ng mga opisyal ng PSU at kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Alaminos. Ang pag-uusap na ito ay nagbigay-daan sa mas epektibo na pagtugon ng unibersidad, na nagpapakita ng matibay na ugnayan at pagtutulungan ng dalawang institusyon para sa ikabubuti ng mga mamamayan. Kasunod nito, nagtulong-tulong ang mga bolunter sa pag hahakot ng mga donasyong ipinag kaloob ng unibersidad โ€“ mga donsayong nagmula sa ibaโ€™t ibang kampus ng unibersidad.

Nagpakita din ng suporta sa nasabing aktibidad mula sa unibersidad sina ๐‘ซ๐’“. ๐‘น๐’‚๐’›๐’†๐’‚๐’๐’† ๐‘ฎ. ๐‘น๐’†๐’”๐’–๐’๐’•๐’‚๐’š, Bise Presidente para sa Pananaliksik, Ekstensyon, at Inobasyon; ๐‘ซ๐’“. ๐‘ณ๐’๐’“๐’†๐’๐’‚ ๐‘ฉ. ๐‘ฌ๐’„๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’“, Direktor para sa Tanggapan ng Serbisyo sa Ekstensyon; ๐‘ฎ๐’๐’ˆ. ๐‘ฝ๐’†๐’๐’–๐’” ๐‘ด๐’‚๐’š ๐‘ฏ. ๐‘บ๐’‚๐’“๐’Ž๐’Š๐’†๐’๐’•๐’, Direktor para sa Relasyong Pampubliko at Impormasyon; ๐‘ฉ๐’ƒ. ๐‘บ๐’‰๐’Š๐’†๐’๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’† ๐‘ฎ. ๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’„๐’…๐’†๐’Ž, Nanunungkulang Pinuno ng Tanggapan ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Yamang Tao; at ๐‘ซ๐’“. ๐‘ฑ๐’๐’„๐’†๐’๐’š๐’ ๐‘บ. ๐‘ซ๐’† ๐‘ฝ๐’†๐’“๐’‚, Koordinator ng Ekstensyon ng Kampus ng Alaminos. Kasama din sina ๐‘ซ๐’“. ๐‘ฌ๐’Ž๐’Š๐’†๐’๐’๐’– ๐‘ฎ๐’†๐’๐’๐’‚๐’…๐’, Tagapangasiwang Opisyal ng Lungsod ng Alaminos, at ๐‘ฎ๐’๐’ˆ. ๐‘ฌ๐’๐’Š๐’›๐’‚๐’ƒ๐’†๐’•๐’‰ ๐‘จ. ๐‘น๐’‚๐’…๐’๐’„, Opisyal mula sa CSWD.

Kabilang sa benepisyaryo ng program ito ang Brgy. San Roque, ang adopted-barangay ng PSU-Kampus ng Syudad ng Alaminos. Personal na binisita ni Dr. Galas ang nasabing barangay kasama ang mga opisyal ng unibersidad, Lungsod ng Alaminos, at nasabing barangay. Maisasakatuparan din ang makabuluhang ” ๐‘จ๐’…๐’๐’‘๐’•-๐’‚-๐‘ญ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’š ๐‘ท๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’‚๐’Ž ” ng unibersidad na naglalayong bigyan ng tulong at suporta ang pamilyang labis na nahagupit ng Bagyong Emong.

Sa pangungunga ni Punong Barangay ๐‘ฌ๐’๐’Š๐’›๐’‚๐’๐’…๐’š ๐‘บ. ๐‘ซ๐’๐’๐’‚, binisita din nila ang isa sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng bagyo. Sa pagtugon sa kanilang kalagayan, nangako ang unibersidad na aalalay sa pagsasaayos at pagpapaayos ng nasirang tahanan upang matulungan silang makabangon.