Nag-organisa ng isang outreach program ang Kolehiyo ng Panggurong Edukasyon ng Kampus ng Alaminos bilang bahagi ng kanilang Extension Activity sa mga “learners” ng Day Care Center ng Barangay Maawi, May 13.
Naghanda ng iba’t ibang mga palaro, aktibidad, katulad ng Share and Tell, at pasayaw ang mga opisyales ng mga organisasyon ng nasabing kolehiyo.
Pinangunahan ng Dekana ng Panggurong Edukasyon na si Dr. Ellen Grace Ugalde ang pagsasagawa ng gift-giving sa mga bata. Laman nito ang mga kagamitan na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na pagpasok.
Ang Extension Activity ay taunang ginagawa ng kampus upang magbahagi ng mga kaalaman at tulong sa mga mapipiling eskwelahan o barangay.
Mga kuhang larawan ni | Junnie Rey Rendon, EIC, Joel Caigas, Filipino News Editor
See Translation