Bumida ang mga mag aaral ng Pangasinan State University Alaminos City Campus (PSU-ACC) sa kanilang Acquaintance Party na ginanap noong January 30, 2024 sa Don Leopoldo Convention Center na kung saan may temang โ€œRebuilding Connections : Celebrating Uniqueness by Embracing Individual Diversityโ€. Ibinida rin ng mga PSUnians ang kani-kanilang kasuotan na naaayon sa tema ng โ€œHollywood Glamourโ€.

Ang pinakahihintay na programa ng taon ay nagsimula sa pamamagitan ng isang payapang panalangin na pinangunahan ni Bb. Jhanamichi Alvarez. Sumunod ang pag-awit ng mga himno na hatid ng presentasyong visual. Ang SSC co-adviser na si G. Ricardo Salazar ay nagbigay ng isang pambungad na mensahe. Binaggit naman ni Bb. Arifah S. Hadji Abdulla, ang Presidente ng Supreme Student Council, ang layunin ng nasabing pagtitipon. Pagkatapos nito, nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si Dr. Rosario DL Valencerina, ang Ehekutibong Direktor ng Kampus, kung saan nagpasalamat siya sa buong Supreme Student Council at sa lahat ng aktibong organisasyon na dumalo sa programa. Pinunto niya ang kahalagahan ng pakikihalubilo o socialization, aniyang, “Socialization is part of academic success.”

Nagbigay naman ng isang pamukaw na bilang ang Masirib Kultura Dancers kung saan ginawan nila ng sariling galaw at paghataw ang kantang “Ang Tindahan ni Aling Nena”. Pagkatapos nito, nagkaroon ng maikling panayam ang mga Host sa gabing iyon kasama ang mga kinatawan mula sa bawat organisasyon. Ibinida ng mga ito ang kanilang kasuotan at ibinahagi ang inspirasyon sa likod ng kanilang napiling damit. Huling naghayag ng mensahe sa gabing iyon ang ipinadalang kinatawan ng Ama ng Lungsod ng Alaminos na si G. Solomon Tablang. Binanggit niya ang dalawang dapat alalahanin ng mga estudyante. Una, ang katagang mula sa ating pambansang bayani na “Ang Kabataan ang Pag-asa ng bayan.” Aniya, “kayo bilang mga kabataan ang susunod na makatutulong upang mapaganda at mapaunlad ang ating bayan.” Pangalawa, nagpasalamat siya sa mga Guro dahil sa kanilang walang humpay na sakrispisyo at pagtuturo upang hubugin tayo bilang matatag at magtagumpay na tao. Matapos ang mga mensahe, naghatid ulit ng isang pamukaw na bilang ang Masirib Band.

Dumako naman ang programa sa ikalawang bahagi nito, ang patimpalak sa dalawahang pag-awit (Duet). Ang patimpalak ay pinangunahan ng mga kalahok mula sa General Educators Guild, kasunod ang mga kalahok mula sa Communicators Society. Bumida rin ang pambato ng SAHARA, DoIT at The Prime. Hindi nagpahuli ang mga kinatawan ng TAGNAWA at SYBA. Napuno ng hiyawan, indak at pagkamangha ang Convention Center dahil sa galing ng mga kalahok. Ang mga napiling hurado ay sina, G. Lord Calumm Ocuaman, G. Jerome Abellera at Bb. Hannah Rose Botolan.

Isa rin sa hinihintay na parte ng programa ang pagpili sa mga naggagandahan at naggwagwapuhang mga estudyante na magwawagi bilang “Star of the Night”, “Face of the Night” at “Glamourous of the Night”. Ang mga napili ay isa-isang rumampa sa entablado upang ipakita ang ganda ng kanilang kasuotan at galing sa pagrampa. Hindi lamang mga estudyante kundi nagkaroon din ng Faculty Edition na magwawagi ng titulong, “Glamorous of the Night”.

Napuno naman ng kaba ang bawat isa sa pagbanggit ng mga nanalo sa Duet Singing Contest. Narito ang mga nanalo:

Unang Puwesto- TAGNAWA

Ikalawang Puwesto – Communicators Society

Ikatlong Puwesto – General Educators Guild

Sumunod din kaagad ang pagbanggit ng mga pangalan na nagawagi sa mga nasabing titulo. Narito ang mga nagwagi

(Student Edition):

Star of the Night:

Christian Paul Ramirez (SAHARA)

Gwynn Hyl Pansoy (The Prime)

Face of the Night:

Aeron Cazar (CS)

Alexa Raniaga(SAHARA)

Most Glamorous:

Mark Joshua Baniqued (TAGNAWA)

Joanna Mae Basila (TAGNAWA)

Most Glamorous (Faculty Edition):

Abegail Ancheta (The Prime)

Fidel Manaol Jr. (The Prime)

Ang Acquaintance Party ay isa sa mga aktibidad na naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na maipakita ang kanilang talento at personalidad sa pamamagitan ng kanilang kasuotan. Ito rin ay isang okasyon na nagpapatibay at nagpapalakas ng samahan sa pagitan ng mga mag aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan.

Sa kasalukuyan, ang PSU-ACC ay patuloy na nagpapatupad ng mga programa at mga aktibidad na nagpapalalim sa pagkakaisa at pagkakaroon ng malasakit sa bawat isa.

Dahil sa matagumpay na Acquaintance Party, umaasa ang mga estudyante na patuloy pang magiging mas makabuluhan at mas kumpleto ang kanilang mga karanasan bilang miyembro ng PSU-ACC.

๐™„๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™ž: ๐™…๐™ค๐™š๐™ก ๐˜พ๐™–๐™ž๐™œ๐™–๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™๐™ง๐™ž๐™จ๐™๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ฎ ๐™‹๐™–๐™ข๐™ค ๐˜ผ๐™จ๐™ž๐™–