Ang Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023 ay magaganap na sa ika-30 ng Oktubre, 2023. Muling mapakikinggan ang boses ng mga mamamayan sa bawat barangay sa pamamagitan ng kanilang mga boto kung sino ang nais nilang sunod na mamuno.

Naging kontrobersiyal at mainit na usapin ang nalalapit na BSKE 2023. Sa loob ng sampung araw na pangangampanya simula noong Oktubre 19 hangang 28, inilahad ng mga kandidato ang kani-kanilang mga pangalan at mga plataporma para sa kanilang nasasakupan.

Batay sa Commission on Elections (COMELEC), mayroong 96,962 na mga kandidato para sa Punong Barangay at 731,682 para sa Barangay Kagawad. Samantala, may 92,774 na mga kandidato para sa Tagapangulo ng Sangguniang Kabataan at 493,069 para sa mga Kasapi ng Sangguniang Kabataan. Sa kabuuan, umabot sa 1,414,487 ang bilang ng mga kandidato ngayong halalan.

Subalit tandaan na 672,016 lamang ang makakaupo sa mga posisyon, kabilang dito ang 42,001 para sa mga Punong Barangay at 294,007 para sa mga Barangay Kagawad. Ganoon din sa mga posisyon ng Sangguniang Kabataan.

Isa sa karapatan ng bawat mamamayang Pilipino ang bumoto. Nasa bawat isa na lamang kung papaano ito gagamitin. Kaya sa nalalapit na eleksyon, sikaping maging matalino sa pagpapasiya at pagpili. Sa paanong paraan? Siguraduhin na kilala ang mga tumatakbong kandidato. Isa-isahin sila mula sa kanilang katangian at tingnang maigi kung magagampanan ba nila ang kanilang mga magiging tungkulin sa kanilang pagsisilbihang barangay.

Gayundin, kilatisin nang mabuti ang kanilang motibo sa pagtakbo. Bakit nila nais ang posisyong ito? Nararapat na hindi para sa kanilang sarili kundi para pagsilbihan ang mga tao; ang iangat ang pamumuhay sa lugar na kinabibilangan at gamiting ang pera ng bayan sa mga makabuluhang proyekto na makatutulong sa pag-unlad ng lahat.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi madali ang pag-upo sa pwesto. Hindi lang basta titulo ang hahawakan sapagkat nasa kamay din nito ang magiging hinaharap ng mga taong kanyang pamumunuan.

Ang mga tao pa rin ang may hawak ng kapangyarihan; ang kapangyarihang ihalal ang isang kandidato sa upuan. Kaya gamitin ang kapangyarihang ito sa Oktubre 30, 2023 nang walang pagsisisihan sa darating na mga araw. Ihalal ang mga kandidato na tunay na nararapat sa puwesto. Tandaan na ang upuan ay para sa mga karapat-dapat, hindi sa kung sinu-sino lamang. Magkaroon tayo ng matalinong pagboto para sa kapayapaan at kaunlaran ng BSKE 2023.

#BobotohindiBobo‘to

๐˜‰๐˜บ: ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ป๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜‘๐˜ฐ๐˜บ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜Š๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข, ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต

๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฃ๐˜บ: ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜บ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ฏ ๐˜”๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ป, ๐˜ˆ๐˜ด๐˜ด๐˜ฐ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ

๐˜Š๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฃ๐˜บ: ๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜‰๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ๐˜ญ, ๐˜Š๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ฏ ๐˜—๐˜ข๐˜ถ๐˜ญ ๐˜๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฅ๐˜ฆ, ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต