Pinangunahan ng Admission and Guidance Services Unit ang pagsasagawa ng โFor Your Guidance Episode 3โ na may layuning magbigay kaalaman patungkol sa mga aspeto ng Guidance Counseling na idinaos sa Alaminos City Sports Complex noong Pebrero, 28.
Tinalakay ni Asst. Prof. Brandy N. Celino, Head of Admission and Guidance Services ang paksang IPAPA-GUIDANCE KITA: Addressing Students’ Misconception about Guidance Counseling.
Nagbigay paliwanag naman ang isa sa Guidance Counselor na si Gng. Danielle Madero tungkol sa paksang Building Resilience: Exploring the Importance of Emotional Regulation in Surmounting the Ups and Downs of College Life Effectively.
Sa pangalawang bahagi ng programa, ipinakilala ni G. Jerome Abellera, isa sa Guidance Counselor ng Kampus ang susunod na tagapagsalita.
Naghatid ng isang diskusyon ang Resource Speaker ng Palihan na si Bb. Sheena Marie Tayaban tungkol sa Psychological First Aid. Laman ng kaniyang presentasyon ang mga mahahalagang bagay na nakapaloob dito at ang pagbibigay halaga sa suporta.
Bilang pagtatapos, nagkaroon ng open forum ang lahat na nagbigay daan upang bigyang kasagutan ang mga katanungan ng mga nagsipagdalo sa seminar.
Sulat ni: Jhonray Panimbagon, Correspondent
Iwinasto ni: Joel Caigas, Filipino News Editor
Kuha ni: Carlito Peralta, Photojournalist