Matagumpay na ginanap ang ika-11 Selebrasyon ng Araw ng Pagkilala ng Pangasinan State University – Alaminos City Campus (PSU-ACC) na dinaluhan ng 390 estudyanteng magsisipagtapos noong ika-15 ng Agosto 2023 sa Don Leopoldo Sison Convention Center, Alaminos City Pangasinan.
Ang naturang program ay may temang “Mapagmalasakit at Responsableng mga PSUnian, Kabalikat sa Mas Matatag na Lipunan”.
Sa panimulang talumpati ni Dr. Charlaine P. Lopez, Dekana ng Kolehiyo ng Pamamahala at Teknolohiya, kanyang ipinaalala sa mga PSUnians na maliban sa kagalingan sa akademiko , mainam din na itaguyod ang kahusayan para sa ikabubuti ng lipunan sa serbisyo gaya ng pagbo-boluntaryo.
“Ang pagiging malasakit at responsable ay hindi lamang isang tungkulin, ito rin ay dedikasyon na kung sino ka bilang isang tao, ay maaring gumawa ng pagbabago,” dagdag ni Dr. Lopez sa panghuling mensahe.
Pinangunahan naman ni Dr. Jenylyn V. Oboza, Ehekutibong Direktor ng PSU-ACC ang talumpating inspirasyonal na siyang nagbigay-pugay sa mga magsisitapos, kabilang na rito ang mga magulang, guro, at kawani ng unibersidad.
“Ipagpatuloy ang ating misyon na maging mabuting mamamayan at maging instrumento ng pagbabago sa ating lipunan,” payahag ni Dr. Oboza sa bawat PSUnians, gayundin ang pagiging matatag, mapagmalasakit, at responsable sa layunin na unti-unting abutin ang pangarap at pagbabago sa lipunan.
Dumalo rin Si Kgg. Arth Bryan C. Celeste, Alkalde ng lungsod ng Alaminos at nag-iwan ng mensaheng, ” Ang kabataan ang susunod na mamamayan ng Alaminos, at ang kayamanan ng lungsod.”
Samantala, ginantimpalaan naman ng sertipiko ng pagpapahalaga ang panauhing pandangal na si Bb. Rhea Roena R. Montecalvo, alumna ng Batch 2018 sa kursong BSIT, na nagpaalala sa mga mag-aaral na hindi hadlang ang pagsubok para sa ikabubuti ng ating sarili.
Sa pagpapatuloy, ginawaran naman ng sertipiko at pagkilala ang natatanging mag-aaral mula sa kani-kanilang programa, kasama ang kanilang magulang, opisyal ng kampus, at panauhin ng unibersidad gaya nina Dr. Juluis Cesar O. Mamaril na humalili sa presensiya ni Dr. Elbert M. Galas, Presidente ng unibersidad, Engr. Jery C. Diaz, at Dr. Clark Kim C. Castro.
Bilang karagdagan, pagkatapos ng selebrasyon, naganap naman sa parehong araw at lugar ang Graduation Ball na inorganisa ng Supreme Student Council para sa mga magsisitapos.
๐ด๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐ณ๐๐๐ ๐ณ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ 2023!