Nakuha ng kinatawan mula sa Pangasinan State University Alaminos City Campus ang unang gantimpala sa Spoken Word Poetry Contest, isa sa mga aktibidad ng 2024 National Womenโs Month Celebration, na ginanap noong Marso 22, 2024 sa PSU Lingayen Campus.
Pinatunayan ni Bb. Jenny Rose Cabrera, isang mag-aaral mula sa Bachelor of Secondary Educationn Major in FILIPINO, ang kaniyang galing at talento sa Spoken Poetry kung saan binigyan niya ng kulay at buhay ang temang โLipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kayayahan ng Kababaihan, Patunayan.โ
Sa kabila ng kaba sa pagtuntong sa entablado, matagumpay niyang naibahagi ang mensahe ng kaniyang Spoken Poetry piece na tumatalakay sa kahalagahan ng kababaihan sa lipunan.
Ayon sa isinagawang panayam kay Bb. Cabrera, nasisiyahan siya na naging kinatawan ng ating Kampus para sa patimpalak ng Gender and Development Department.
โNoong akoโy nasa taas ng entablado sa harap ng maraming tao, hindi ko maiwasang maging kabado. Hindi ko na inisip na makamit ang pagkapanalo dahil ang tanging layunin ko lamang ay maisiwalat ang โkwento ni baiโ,โ aniya.
โKaya sa mga kababaihan na tulad ko, saan mang direksyon ng mundo ka magtungo, huwag kang matakot na ipahayag ang iyong sarili at ipaglaban ang iyong karapatan at patunayan sa madla na ang kakayahan ng kababaihan ay hindi limitado,โ dagdag pa niya.
Si Cabrera ay sumailalim sa pagsasanay nina Bb. Zarah Jane B. Anuddin, GAD coordinator ng Kampus, at Dra. Janice R. Carambas, Department Chairperson ng Enhanced General Education.
Ang kaniyang pagkapanalo ay sumasalamin sa husay ng isang ACCian sa anumang larangan.
๐๐ช: ๐๐ฐ๐ฆ๐ญ ๐๐ข๐ช๐จ๐ข๐ด ๐ข๐ต ๐๐ข๐ด๐ฎ๐ช๐ฏ ๐๐ข๐ฏ๐ถ๐ฆ๐ญ, ๐๐๐