Isinagawa ang oryentasyon para sa mga mag-aaral ng Batsilyer sa Pansekondaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino para sa kanilang Field Study sa School Division Office- Alaminos City ngayong ika-23 ng Enero. Layunin nito na gabayan at bigyan ng paunang kaalaman ang mga mag-aaral sa kung paano maisasagawa ng tama ang mga gagawing obserbasyon sa loob ng silid-aralan.
Bilang pagsisimula, nagbigay ng pambungad na mensahe ang Curriculum Implementation Division (CID) Chief na si Dr. Orlando Guerrero. Laman ng kaniyang mensahe ang pagkintal sa kahalagahan ng Field Study Observation, upang maihanda sila sa tunay na kalagayan ng edukasyon, ng paaralan at ng iba’t ibang uri ng mga mag-aaral na kanilang magagamit sa pagpaplano sa kurikulum at maiayon ang paraan ng pagtuturo sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral.
Sa pagtatapos ng kaniyang mensahe, binigyang-diin niya ang 5C’s na dapat taglayin ng isang gurong mag-aaral. Ang Commitment o pagkakaroon ng paninindigan sa Propesyong tatahakin-ang pagtuturo, na kung saan aniya, “A teacher is always be a teacher.” Matutuhang mahalin ang propesyong ito kung may paninindigan sa napiling landas. Pangalawa, ang Compassion to teach o marubrub ang pagnanais sa pagtuturo. Sunod ang Creative o malikhain na kung saan mahalaga ang mga Kagamitang Pampagtuturo upang makuha ang atensyon ng mga mag-aaral at aktibong makilahok sa talakayan. Competence o may kakayahang magturo, ang dahilan kung bakit naisasagawa ang mga oryentasyong ito bago maideploy ang mga Pre-service teachers ay upang sila ay gabayan, at mas mapapadali ang bawat panig, ang cooperating teacher at ng mga Pre-Service teacher sa panahon ng Practice Teaching. Tinapos niya ang kaniyang mensahe sa pamamagitan ng pagbibigay kahalagahan ng ikalimang C’s na dapat taglayin, ang Character, na kung saan ipapakita natin kung ano tayo at ang kaya nating ipakita may nakakakita man o wala. Tayo ay magsisilbing modelo ng mga mag-aaral kung kaya’t mahalaga na maipakita ito sa ating pananalita, paggawi at pagdedesisyon.
Sa oryentasyong isinagawa, ibinigay ni Dr. Ronald Radoc, Field Study and Practice Teaching Coordinator, ang mga bagay na dapat malaman ng mga Pre-Service Teacher na nagsilbing gabay sa matagumpay na pagtatapos ng landas na tatahakin. Aniya, kinakailangang ituon ng mga mag-aaral ang kanilang atensyon, oras at pagsusumikap na mapagtagumpayan at matapos nang maayos ang Field Study upang lubusang mapaghandaan ang mas mabigat na obligasyon at responsabilidad na nakaatas sa kanila bilang sumusunod na mga guro sa hinaharap.
๐๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐บ ๐๐ฏ๐ฆ ๐๐ข๐ณ๐ป๐ข๐ฏ, ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ
๐๐ถ๐ฉ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ๐ฎ๐ฆ ๐๐ข๐บ๐ข๐ด, ๐๐ณ๐ฐ๐ข๐ฅ๐ค๐ข๐ด๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ฆ๐ค๐ฉ๐ฏ๐ช๐ค๐ข๐ญ